Tuesday, March 17, 2009

PIKTYUR






Malaking bagay ang ginagampanan ng isang simpleng PIKTYUR. Kaya nitong patigilin ang oras at kaya nitong pabatain ang kahit na sino. Maraming natutuwa at nakikinabang sa lente ng kamerang ating hinahawakan. Naaalala ko nung minsang sumali ako sa contest, "Mr. Photogenic" ako. Bawat pitik ng kamera ay may mahalagang mensaheng hatid sa kinukunan nito. Dito pwedeng mangyari ang lahat-- maging malungkot ang masaya at maging masaya ang malungkot. Pwedeng itago ang nararamdaman kahit isang segundo lamang. Pero pang-habang buhay na makikita ang katotohanan sa likod ng piktyur na kinuhanan.

"In every click of the camera, it captures an amount of our spirit" sabi ni Jaine T. Licauco. Pero ganunpaman, hindi rin niya kayang takasan ang rolyo ng film. At ngayon, sa makabagong mundo, ito na yata ang isa sa pinakamahalagang bagay na dapat ay mayroon ka. Kaya sa kahit na anong eksena;
sumali ka,
makigulo,
makihalubilo,
ngumiti,
itaas ang dalawang daliri,
tumawa,
i-upload mo sa;
friendster,
facebook,
blogspot at sa lahat lahat na.
Halika, sali ka... 1... 2... 3...
say cheese...
(click)

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home